^

Probinsiya

Kagubatan sa Cagayan, kinalbo ng illegal loggers

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Kagubatan sa Cagayan, kinalbo ng illegal loggers
Map of Cagayan with Claveria highlighted
Wikipedia / Mike Gonzalez

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Muling binulabog ng illegal logging ang Sierra Madre matapos matuklasan ng mga awtoridad ang halos nakalbong bahagi ng kagubatan sa Barangay Luzon, Claveria, Cagayan.

Aabot sa 1,000 metro kuwadradong kagubatan ang sinalanta ng hinihinalang timber poachers. Sa inspeksyon ng mga tauhan ng Claveria Police at Department of Environment and Natural Resources (DENR), nadiskubre ang 27 bagong putol na tuod ng puno at nakumpiska ang 107 board feet ng ilegal na naprosesong kahoy na gmelina na nagkakahalaga ng tinatayang P4,280.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Pablo,” 50, residente ng lugar na nahaharap sa kasong paglabag sa ­Forestry Code.

Isinailalim sa imbentaryo ang mga nakum­piskang troso sa harap ng isang opisyal ng barangay bago dinala sa Sanchez Mira Police Station bilang ebidensya. Inaalam din ng mga imbestigador kung may ugnayan ito sa mas malaking sindikato ng illegal logging na kumikilos sa hilagang Cagayan.

Ayon sa mga awtoridad, hindi lamang Claveria ang pinamumugaran ng timber poachers at patuloy ring naitatala ang illegal logging sa Baggao, Peñablanca, Gattaran, Pamplona, Lal-lo, Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Ana, Rizal, Calayan, Sta. Praxedes, Sanchez Mira, at Allacapan sa kabila ng pinaigting na operasyon laban sa mga lumalabag sa batas.

Babala ng mga environmental group, patuloy na nauubos ang kagubatan ng Sierra Madre dahil sa illegal logging, pagmimina, quarrying, at land conversion.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with