9 katao nilamon ng dagat

Pinaniniwalaang nilamon ng dagat ang pito na sibilyan ma­ka­raang maglayag kahit malalakas ang alon sa naganap na magkahiwalay na insidente sa karagatan ng Eastern Samar at Leyte Gulf, ayon sa ulat kahapon. Base sa ulat ni P/Chief Supt. Abner Cabalquinto,  pumalaot ang bangkang M/V Rogin na may lulang pitong pasahero sa karagatan ng Eastern Samar patungong Sultan Sland mula sa pantalan ng Guin noong Ling­go. Gayon pa man, hanggang kahapon ay hindi na matag­puan ang nasabing bangka kung saan kamakalawa ay inaasahang uuwi na sa kani-kanilang pa­milya. Kabilang sa pito na iniulat na nawawala ay sina Aileen Escoto, Alfonso Badar, Jose Talavero, Francis Mae Talavero, Pereso Garado, Aida Mercurio at si Pe­ren­cio Mercurio. Samantala, dalawa namang mangingisda na nag­layag para mangisda kamakalawa ang iniulat na nawa­wala sa bahagi ng Leyte Gulf. Patuloy naman ang rescue operations sa mga biktimang sina Arnold Abella at Rogelio Advincula na kapwa naninirahan sa Brgy. San Roque, Leyte. Joy Cantos

Show comments