2 katao tinodas sa sabungan

NUEVA ECIJA  — Dala­wang sibilyan ang iniulat na nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan makaraang magbarilan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa loob ng sabungan sa Barangay Sole­dad, Sta. Rosa, Nueva Ecija, noong Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rey­naldo dela Cruz, hepe ng pulisya, nakilala ang mga na­sawing sina Ramilito Sadsad, 41, ng Lipahan, San Juan, Batangas; at Reynaldo Car­los, 38, ng Gen. Tinio St., Ba­ran­gay Quezon Dist., Caba­na­tuan City. Naisugod na­man sa ospital sina Edward Villa­lon, 49; Rolando Aduna, 50; Emely Aduna, 49; Fe de Leon, 45; Luis Alday, at si Cri­santo Cabog.

Base sa police report, mag-away ang nasawing si Sadsad at ang security aide ng Cabanatuan City ex-councilor na si Amboy Lovete, sa loob ng Sta. Rosa Cockpit Arena kaugnay sa pustahan.

Makalipas ng ilang minuto ay umalingawngaw ang serye ng putukan ng baril kaya nag­kagulo at nagtakbuhan ang mga manunuod ng sa­bong hanggang sa natag­puan ang dalawang patay.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Lovete na sinasabing utak sa pama­maril. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments