Apo ni Dolphy inaresto

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang apo ng comedy king na si Dol­phy makaraang maaresto ng pulisya dahil sa pag-iingat ng baril na walang dokumen­to sa loob ng restaurant sa Ba­rangay Poblacion 2 sa bayan ng Pagsanjan, Laguna ka­makalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang sus­pek na si Rodolfo Quizon III, 25, may asawa at resi­dente ng Ba­rangay Bagum­bayan, Sta. Cruz, Laguna at anak ni Rodolfo Quizon Jr. na apo ni Dolphy. Sa police report, ang suspek ay nasa­kote ng mga tauhan ng Operation Bakal sa pamumuno ni P/Inspector Luis Perez, sa Poly’s Binalot & Videoke Bar da­kong alas-10:30 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos na makum­piskahan ng cal. 45 Colt MK4 na may isang magazine na naglalaman ng pitong bala.

Pansamantalang naka­laya si Quizon matapos mag­pi­yansa ng P80,000. Arnell Ozaeta

Show comments