^

Probinsiya

Pulis inagaw ng engkanto?

-

KIDAPAWAN CITY — Ban­tulot pa rin ang mga kaanak na ipalibing ang bangkay ni dating P/Senior Supt. Monico Paloma na sinasabing inagaw ang kaluluwa ng engkanto dahil sa posibilidad na nagla­lakbay pa ang kaluluwa nito at maaari pang ma­buhay.

Napag-alamang si Pa­loma ay unang inatake ng mild stroke noong December 31 at idineklarang clinically dead noong Martes ng Enero 6 sa Kidapawan Doctors Hospital .

Nabatid din na muling nag­­kapulso ang dating opis­yal matapos na gamu­tin ng faith healer kaya naman naniwala ang ilan sa pamilya ni Paloma na napaglaruan ito ng mga ligaw na espiritu (eng­kanto).

Subalit sinabi naman ng embalsamador ng Collado Funeral Homes na si Rene Dichon, patay na talaga si Paloma dahil sa pangingi­tim ng mga kuko at buong katawan.

Hindi naman pumayag ang mga kaanak na ipa­embalsamo ang katawan ng dating opisyal dahil sa sinasabing naglalakbay lamang ang kaluluwa nito.

Kasunod nito, pinalipas muna ng mga kaanak ang dalawang araw bago pa man nagpasya na ipa­embalsamo na ang kata­wan ni Paloma.

Sa ngayon, ibinurol na ang mga labi ni Col. Paloma sa bahay niya sa Barangay Poblacion at ililibing sa Miyerkules ng Enero 14. Malu Manar

BARANGAY POBLACION

COLLADO FUNERAL HOMES

ENERO

KASUNOD

KIDAPAWAN DOCTORS HOSPITAL

MALU MANAR

MONICO PALOMA

RENE DICHON

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with