^

Probinsiya

Landslide: Mag-asawa, 5 anak patay

-

Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at lima nitong anak ma­karaan maguhuan ng lupa ang kanilang tahanan sa paanan ng bundok sa ba­yan ng Lavezares, Northern Samar noong Sabado ng madaling-araw.

Sa report ng Regional Di­saster Coordinating Coun­cil, kinilala ang mga na­sawi na sina  Gemma dela Cruz, 32, apat na buwang buntis; asawa nitong si  Edwin, 31, mga anak na sina Dina, 5; Ina, 4; Carla, 2 ; Rowena, 1; at ang sanggol sa sinapu­punan ni Gemma na apat na buwan.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang gu­muho ang lupa mula sa kabundukan habang mag­ka­katabing natutulog ang pamilya dela Cruz sa ka­nilang tahanan sa Ba­rangay Ocad kung saan bumuhos ang malakas na ulan may ilang araw na ang nakalipas.

Ayon naman sa ulat ng Lavezares PNP, dalawa rin ang malubhang nasugatan na nakilala namang sina Pacita Esplana at Victor Espina, 42, na kapwa nasa Northern Samar Provincial Hospital sa bayan ng Ca­tarman.

Ayon sa imbestigasyon, agad na nasawi ang mga biktima dahil sa putik na tumabon sa tahanan ng mga ito na may kasamang malalaking tipak na bato at tubig.

Kaugnay nito, pinayu­han naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente sa mga tinaguriang landslide prone areas na isa­gawa ang kaukulang pag-iingat. Joy Cantos

AYON

COORDINATING COUN

CRUZ

JOY CANTOS

LAVEZARES

NORTHERN SAMAR

NORTHERN SAMAR PROVINCIAL HOSPITAL

PACITA ESPLANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with