Mag-utol binigti, ama nag-suicide

CEBU CITY – Karit ni kamatayan ang sumalu­bong sa mag-utol maka­raang bigtihin ng sariling ama na nag-suicide rin sa loob ng kanilang inuupa­hang apar­telle kahapon ng umaga sa Barangay Cam­puthaw, Cebu City, Cebu.

Kinilala ng pulisya ang magkapatid na sina Christy Mae Tabal, 5; at Christoph Von Borstel, 10, na naka­taob sa ibabaw ng kama sa loob ng isang kwarto sa The Apartelle sa Escario Avenue sa nabanggit na barangay.

Ang dalawang bata ay kapwa nakabalot ng shopping bag ang ulo na pina­niniwalaang sanhi ng kani­lang kamatayan matapos na sakalin at bigtihin ni Felix Ortiz, 35. Si Felix naman ay natagpuan din nakabitin sa kanilang kwarto, na pinani­niwalaang nag-suicide.

Napag-alamang si Christy Mae ay anak sa unang asawa ng live-in ni Felix, saman­ talang si Borstel naman ay anak sa dayuhang Aleman.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang tiyuhin ng dalawang bata na si Isa­belo Tabal ang siyang na­ka­kita sa kalagayan ng tat­lo matapos na ito ay bisita­hin kahapon.

Sinasabing kaarawan kahapon ni Christoph at sadya sanang susunduin ang magkapatid ng tiyuhin upang ipamili kasama ng kanilang ina na si Berna­dette Von Borstel.

Nabatid na ang batang Von Borstel at ang biyuda nitong ina na si Bernadette ay kararating lang sa bansa noong Disyembre 28 mula sa Germany at balak sanang pagtagpuin ang magkapatid na si Christy Mae ay lumaki sa poder ng kanyang amang si Ortiz sa Surigao City.

May teorya ang pulisya na may kinikimkim na galit si Felix sa ina nang mga bata da­­hil sa kalagayan ng kani­ lang relas­ yon at dahil na rin sa sinasa­bing lulong sa ipi­nagbabawal na droga ang lalaki.

Show comments