GMA dadalaw sa Mindanao
Cagayan de Oro City - Sisimulan ngayon ni Pangulong Arroyo ang kanyang 4-araw na first working week ng 2009 sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga lalawigan sa Mindanao.
Magtutungo ngayong umaga si Pangulong Arroyo sa San Jose Parish Church sa Midsalip, Zamboanga del Sur saka ito pupunta sa Salug, Misamis Occidental upang bisitahin ang Salug irrigation system at iinagurahan naman niya ang Hatchery ng Eco-Tourism project sa Misamis Occidental Aquamarine Park sa Dolphin island.
Ngayong hapon ay iinagurahan ni Mrs. Arroyo ang Ozamis City public market saka ito magtutungo naman sa Tangub City para sa isang salu-salo sa mga local government officials para sa isang post-Christmas festival showcase kung saan ay panonoorin din ng chief executive ang inihandang fireworks display.
Sa Martes ay iinagurahan din ng Pangulo ang Clarin bridge sa Clarin, Misamis Occ, bago ito magtungo sa Molundo, Lanao del Sur para pangunahan ang “full cabinet meeting”.
Magtutungo din ang Pangulo sa Cagayan de Oro City sa Martes ng gabi para lagdaan upang maging ganap na batas ang mga administration bills habang nakikipag-dinner ito sa mga local officials ng Misamis Oriental.(Rudy Andal)
- Latest
- Trending