Chairman itinumba

Itinumba matapos bistayin ng bala sa mismong araw ng Bagong Taon ang isang barangay chairman ng hindi pa nakilalang salarin sa Cabugao, Ilocos Sur, ayon sa ulat ka­hapon.

Patay na nang maipasok sa Suero General Hospital ang biktimang si Romeo Tisbe, 52 anyos, chairman sa Ba­rangay Salumague sa Cabugao.

Katatapos lang mag­­diwang ng Bagong Taon bandang alas-12:45 ng ma­daling-araw ang biktima at ang kan­yang pamilya nang big­lang sumulpot ang salarin bago siya pinagbabaril. (Joy Cantos)

Show comments