'Killer' ng chairman timbog

VIGAN CITY — Nadakip kahapon ng pulisya ang isang suspek sa pagpatay sa isang barangay captain sa harap ng bahay nito sa isang baybaying barangay sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.

Kinilala ni Cabugao De­puty Police Chief Inspector Nilo Racoma ang suspek na si Ryan Avila na isa ring residente ng Barangay Sa­lomague.

Isinangkot si Avila sa pagkakapatay kay Romeo Tisbe, chairman ng naturang barangay.  (Teddy Molina)

Show comments