^

Probinsiya

3 holdaper pinabulagta

-

Bumati muna ng Happy New Year  bago nagdeklara ng holdap ang  tatlong armadong kalalakihan sa loob ng pampasaherong bus na napatay sa shootout ng isang naalertong police colonel sa bayan ng Medina, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi.

Gayon pa man, patuloy pang inaalam ang pagkaka­kilan­lan sa tatlong napaslang na lalaki na walang anumang identification card na natagpuan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-7 ng gabi nang magdeklara ng holdap ang tatlo sa mga nahintakutang pasahero ng bus pagsapit sa bayan ng Medina.

Napag-alamang mula sa Butuan City ang RTM Bus at patungong Cagayan de Oro City nang maganap ang insi­dente.

Naalerto naman ang isa sa pasahero na si P/Supt. Alejandro Cagampang ng Bureau of Fire Protection na nakabase sa Caraga Region kung saan unti-unting binunot ang kanyang baril sa baywang saka pinaputukan ang tatlo.

Dahil bihasa sa paghawak ng baril na kilalang shooter sa kanilang himpilan ay napuruhan ni Cagampang ang tatlo bago pa man makapanakit ng mga pasahero.

Hindi na nakaganti ng putok ang tatlong armado rin ng baril na agad naman bumulagta.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Medina upang alamin ang grupong kinasasangkutan ng tatlo. (Joy Cantos)

ALEJANDRO CAGAMPANG

BUMATI

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUTUAN CITY

CAGAMPANG

CARAGA REGION

HAPPY NEW YEAR

JOY CANTOS

MISAMIS ORIENTAL

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with