^

Probinsiya

Mag-iina ni-rape ng senglot

-

Masaklap na Bagong Taon ang sasalubong sa mag-iina makaraang mag­kaka­sunod na gahasain ng ka­nilang kapitbahay na lango sa alak sa bayan ng Sto. Domingo, Albay kaha­pon ng madaling-araw.

Ang mga biktimang du­guan ang ulo at may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos puk­pukin ng matigas na bagay ng suspek ay itinago sa mga pangalang Olive, at dalawang anak na sina Ellen at Gemma.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Benjamin Arienda, 47.

Sa inisyal na ulat  na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa tahanan ng mag-iina sa Barangay Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, dakong alas-12:45 ng madaling-araw.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na ang suspek ay nagpaalam pa sa kaniyang mga kainuman ng alak bago isagawa ang maitim na balak laban sa mag-iina.

Nagtungo ang suspek sa tahanan ng mag-iina na madali nitong napasok dahil sako lamang ang dingding kung saan walang kasama.

Agad na pinagpupuk­pok ng matigas na bagay sa ulo at iba pang bahagi ng ka­tawan ng suspek si Beatriz at dalawa nitong anak na babae upang hindi maka­sigaw habang hina­ha­lay.

Nadatnan ng mga aw­toridad na duguan ang mag-iina kaya kaagad na­mang isinugod sa ospital habang patuloy naman ang imbestigasyon. (Joy Cantos)

ALBAY

BARANGAY LIDONG

BEATRIZ

BENJAMIN ARIENDA

CAMP CRAME

DOMINGO

JOY CANTOS

KASALUKUYAN

SHY

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with