^

Probinsiya

Bus terminal grinanada

- Joy Cantos -

Niyanig ng pagsabog ang isang bus terminal matapos na hagisan ng granada ang pagdaraos ng Christmas party ng mga empleyado rito kamaka­lawa ng gabi sa Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Sr. Supt. Willie Dangane, naganap ang pagsabog bandang alas-8:15 ng gabi sa Husky Bus Terminal sa Barangay Tamontaka ng lungsod na ito.

Bigla na lamang uma­nong sumulpot sa lugar ang kahinahinalang mga suspek at kasunod nito ay inihagis ang dalawang gra­nada na natukoy na MK2 fragmentation hand grenade.

Nagkaroon ng malala­kas na pagsabog sa lugar na nagresulta sa pagka­wasak ng tatlong bus dito habang nagdaraos ng Christmas party ang mga empleyado ng kumpanya na pag-aari ni Mr. Emilio Escobello Jr.

Matapos ang pagsabog ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng ku­lay itim na motorsiklong Honda XRM na tumahak sa Sinsuat Avenue patungo sa Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabunsuan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Dangane, ay iniimbes­tigahan ang anggulo ng paghihiganti sa insidente bunga ng pagkakasibak sa trabaho sa ilang guwardiya sa nasabing bus terminal.

Sinabi ni Dangane na may natanggap silang im­pormasyon na dalawang dating empleyado ng Hus­ky bus company ang nag­hagis ng dalawang gra­nada sa terminal.

BARANGAY TAMONTAKA

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

DANGANE

DATU ODIN SINSUAT

HUSKY BUS TERMINAL

MR. EMILIO ESCOBELLO JR.

SHARIFF KABUNSUAN

SHY

SINSUAT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with