2 shabu lab ni-raid, 5 Tsino tiklo

Rehas na bakal ang binagsakan ng 5 Tsino na pinaniniwalaang big time drug trafficker makaraang maaresto ng mga awto­ridad sa ni-raid na mag­kahiwalay na shabu laboratory kahapon ng umaga sa Angeles City, Pam­panga.

Kabilang sa mga sus­pek na sumasailalim nga­yon sa tactical interrogation ay sina  Yang Hong Lia, 28; Yang Wang Zao, 39; Yang Pei,  34;  Lina Asi, 30;   at si Wang Chunni, 30, pa­wang taga-Fujian, China.

Sa ulat ni PNP-Anti Illegal Drugs –Special Operations Task Force Director Raul Bacalzo, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Geraldo Antonio Santos ng Angeles Regional Trial Court Branch 62, unang ni-raid ang shabu lab sa Diamond Subd. sa Brgy Balibago, Angeles City kung saan nadakip sina Lia, Zao at Pei.

Sinalakay rin ang isa pang shabu lab sa Villasort Subd. sa Brgy. Anonas, kung saan nadakip naman sina Asi at Chunni.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at pag-iimbentaryo sa mga na­kumpiskang bulto ng ke­mikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu. Joy Cantos at Danilo Garcia

Show comments