Bata natusta sa gasera

KIDAPAWAN CITY – Animo’y inihaw na karne ng baboy ang naging katawan ng isang batang lalaki makaraang masunog at mamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Sulang Subd. sa Poblacion sa bayan ng Magpet, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kaagad naman naisugod sa isang ospital sa Kidapawan City pero habang inililipat sa Davao City Medical Center, namatay na ang isang taong gulang na si John Row Gamboa.

Sa salaysay ni Gerry Gamboa, ama ng bata, iniwan niya ang biktima sa sala habang siya ay nagluluto ng hapunan, subalit hindi akalaing aabutin ng bata ang gasera na nasa ibabaw ng mesa.

Nahulog at bumuhos ang lamang gasolina ng gasera kaya nagliyab kaagad ang katawan ng bata.

Sinaklolohan naman ng ama ang kanyang anak subalit maging siya ay nadamay hang­gang sa rumensponde ang ilang kapitbahay at naapula ang apoy sa mag-amang nasusunog. (Malu Manar)

Show comments