Magkaibigan durog sa trak

LINGAYEN, Pangasinan – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang lalaki makaraang mahagip ng trak ang kanilang motorsiklo sa highway ng Barangay Caurdanetan sa bayan ng Umingan, Pangasinan nong Sabado ng hapon.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang mga biktimang sina Isagani Marquez, 28 at John Maure,21, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang drayber ng trak na si John dela Cruz ng bayan ng Ramon, Isabela.

Napag-alaman sa police report na tinatahak ng motorsiklo ng magkaibigan ang kur­badang highway nang nakasalubong ang trak. (Cesar Ramirez)

Show comments