2 katao itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi sa naganap na mag­kahiwalay na karahasan sa Masbate kamaka­lawa.

Ayon sa police report, si Rene Bandol, 47, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bakuran ng bahay ng una sa Barangay Malibas sa bayan ng Palanas, Masbate kahapon ng umaga.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang krimen sa nakagalit ng biktima may ilang araw na ang nakalipas. Samantalang si Christopher Bello, 18, ay binaril ng kanyang kainuman ng alak na si Nestor Rance, 40, magsasaka, ng Brgy. Lahong.

Base sa ulat ng pulisya, nagkapikunan ang dalawa kaya naganap ang pamamaril sa bisinidad ng Brgy. Docol sa bayan ng Baleno, Masbate. Tugis naman ng pulisya ang suspek. (Ed Casulla)

Show comments