P31-M marijuana nasamsam

LA TRINIDAD, Ben­guet – Tinatayang aabot sa P31 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam maka­raang salakayin ng pi­nagsanib na pu­wersa ng pulisya, Phil. Army at Phil. Drug Enforcement Agency, ang 22 ek­taryang plan­tasyon sa magkahiwa­lay na ope­rasyon sa Ben­guet.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Eugene Martin, Cordillera police director, nadiskubre sa 36 pook na ni-raid ng mga awto­ridad, ang 150, 320 puno ng marijuana at 36, 610 pinatuyong buto ng marijuana kung saan aabot sa P31,528,400 halaga kapag naipagbili.

Kabilang sa mga plantasyon ng marijuana na ni-raid sa tatlong araw na ope­rasyon ay ma­tatag­puan sa mga Ba­rangay Ba­deo at Ta­kadang sa bayan ng Ki­bungan at sa Ba­rangay Kayapa sa ba­yan na­man ng Bakun, Ben­guet.

Magugunita na noong Oktubre, nasa­bat ng mga awtoridad ang isang trak na may lulang kilu-kilong marijuana sa bahagi ng Halsema Highway sa Benguet.

Sinunog naman ang nakumpiskang marijuana sa Camp Dangwa, noong Bi­yernes ng ha­pon ha­bang nagpapatu­loy naman ang operas­yon laban sa mga operation ng plantasyon ng marijuana sa nabang­git na lalawigan. (Artemio A. Dumlao)

Show comments