^

Probinsiya

105 mag-aaral nalason sa kendi

-

Umaabot sa 105 mag-aaral ang nalason maka­raang kumain ng sari-sa­ring uri ng kending konta­minado ng bacteria na itinapon sa tabing kalsada sa bayan ng Mankayan, Benguet noong Biyernes.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Fernando Botangen, chief of police ng Man­ kayan, bandang alauna ng hapon nang mapulot ng mga batang mag-aaral mula sa Pallatong Elementary School at Mankayan Ele­mentary School, ang bulto ng mga kendi na pi­na­nini­walaang expired na.

Ayon kay Botangen, na aabot sa 11 sako ng kon­taminadong kendi  na ang ilan ay gawang lokal ha­bang ang iba pa ay may Chinese markings ang itinapon sa kahabaan ng Mankayan-Abatan Road.

Pinaniniwalaang ina­kala naman ng mga bik­tima na inihagis ni Santa Klaus ang mga kendi dahil mala­pit na ang Kapas­kuhan kaya pinulot ito at kinain.

Sa kasalukuyan ay ino­obserbahan pa rin sa Ben­guet Hospital ang 14 pa sa mga mag-aaral habang ang iba ay pinauwi na ka­hapon ng umaga matapos na mabigyan ng panguna­hing lunas. 

Samantala, dadalhin naman sa Bureau of Food And Drugs Central Office, ang samples ng ibang uri ng kendi upang maisaila­lim sa pagsusuri. Joy Cantos

vuukle comment

AYON

DRUGS CENTRAL OFFICE

FERNANDO BOTANGEN

JOY CANTOS

MANKAYAN ELE

MANKAYAN-ABATAN ROAD

PALLATONG ELEMENTARY SCHOOL

SANTA KLAUS

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with