^

Probinsiya

Suicide sa puntod

-

Isang 29-anyos na x-ray technician na si Chris Vincent Ventura ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa harap ng puntod ng kanyang ama sa isang pampublikong sementeryo sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa.     

Hinihinala ng pulisya na may problemang pampa­ milya ang biktima kaya nagpakamatay pero patuloy ang im­bestigasyon dito.

Sa imbestigasyon ng Cadiz City Police, sinabi ni Chief Inspector Jefferson Descallar na natagpuan ng dumaraang mga residente sa sementeryo ang nakabigting bangkay ni Ventura dakong alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Descallar, ang biktima ay nadiskubreng naka­bitin sa pasimano ng mosuleo ng ama nito at wala namang nakitang iniwang suicide note sa lugar.

Nabatid na si Ventura ay dating x-ray technician ng St. Anne Medical Center at sa district hospital ng nasabing lungsod.

Upang makasiguro na walang “foul play,” isinailalim sa awtopsya ang bangkay ng biktima. (Joy Cantos)

Hapones na diver natagpuang patay

Isang 46-anyos na mas­ ter scuba diver trainer na Hapones na si Ta­katoshi Tezoka ang na­tagpuang patay sa loob ng kanyang opisina sa Amco Plaza, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City kama­kalawa ng umaga. Ang biktima ay natagpuang nakasubsob ang ulo ha­bang nakaupo sa silya sa harapan ng kaniyang computer table kung saan ay nagtamo ito ng pasa sa kanang bahagi ng ka­niyang kilay nito sa in­sidente. Iawtopsiya ang bangkay ng biktima upang mabatid kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito ha­bang patuloy ang im­bestigasyon sa kaso. (Joy Cantos)

Niluray ng ama

CAVITE – Isang 49-an­yos na mister na walang trabaho na si Francisco Cen­teno ang inaresto ng pulisya makaraang irek­lamo siya ng kanyang misis ng pangga­gahasa sa kani­lang pitong taong gulang na anak na ba­bae sa kani­lang bahay sa Tanza, Ca­vite kahapon ng umaga. Isinumbong ng bata na pinagsasamantalahan siya ng suspek tuwing wala sa kanilang bahay ang kan­yang ina. (Cristina Timbang)

3 Teteng nalambat

LIMAY, Bataan – Nada­kip ng mga kagawad ng Limay Police ang tatlong kilabot na umano’y miyembro ng Teteng Robbery Gang makaraang mag­tangay ng iba’t ibang klaseng cell phone units, alahas at cash sa isang 2-door apartment sa Ba­rangay St. Francis-1, Limay kahapon ng umaga. Ang mga suspek ay kinilala ni Limay Police Chief Supt. Romell Velasco na sina Joselito Malinao, Ritchie Matilla, 21 at Leonilo Malinao, 18 alyas Teteng na nakumpiskahan pa ng dala­wang tea bags ng marijuana kapwa nakatira sa St. Francis-2. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AMCO PLAZA

BARANGAY PAJO

CADIZ CITY

CADIZ CITY POLICE

CHIEF INSPECTOR JEFFERSON DESCALLAR

CHRIS VINCENT VENTURA

JOY CANTOS

SHY

ST. FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with