Mister panty ang suot iniskandalo ni misis

Naiskandalo ang isang mister matapos palayasin sa kanilang tahanan ng kan­yang misis na nagsisigaw sa galit nang madiskubreng na­kasuot siya ng panty pagka­raan ng buong magdamag na hindi pag-uwi ng bahay sa Daraga, Albay kahapon ng madaling-araw.

Lulugu-lugong dumulog sa Daraga Police ang mister na si Dominador Locasio Jr. at inireport ang pangya­yari.

Nilinaw naman ni Locasio na hindi siya bading subali’t nabigong maipaliwanag ang pagsusuot nito ng kulay ubeng panty.

Sa sumbong ni Locasio sa Daraga Police, nagalit ng matindi ang kanyang misis na si Lenlen nang makita nito ang suot niyang panty kaya pinalayas siya nito.

Nauna nang nag-away ang mag-asawa nang ma­tuklasan ni Lenlen na mada­las magbabad ang mister sa isang bar at laging kasama ang isang-16 anyos na da­laga.

Pinaniniwalaan namang sa pagmamadaling magbihis ay ang panty ng sinasabing kabit ng naturang mister ang naisuot nito sa halip na ang mismong kaniyang brief.

Show comments