Anak ng mag-asawang trader kinidnap

Maging ang isang 9-anyos na batang babae na anak ng mag-asawang ne­gos­­yante ay kinidnap ng mga ar­madong kalalakihan na sina­sabing mga bandi­dong Abu Sayyaf Group sa bisinidad ng Lamitan City, Basilan  noong Miyerkules ng gabi. 

Sa phone interview, kini­lala ni P/Senior Supt. Salik Ma­capantar ang biktima na si April Nicole Tejada Rave­che, Grade 3 pupil.

Naganap ang kidnapping sa harapan ng restaurant na pag-aari ng pamilya Rave­che sa kahabaan ng Flores Street sa Brgy. Malakas, da­kong alas-6:55 ng gabi.

Ayon naman sa taga­pag­salita ng Navy na si Lt. Col. Edgard Arevalo, kasaluku­yang akay ng ina ang biktima nang puwersahan itong agawin at tangayin ng mga armadong kalalakihan.

Nakabarilan pa ng pu­lisya ang mga kidnaper na tumahak sakay ng dalawang motorsiklo sa direksyon ng Tuburan habang narekober naman ang motorsiklo na ginamit ng mga ito sa bahagi ng  Sitio Libi, Brgy. Kadayan, sa bayan ng Akbar.

Napag-alamang sina­man­tala ng mga kidnaper ang pagiging abala ng Philippine Marines sa isa pang kaso ng kidnapping for ransom sa Basilan nang isa­gawa ang panibagong pag­dukot. Joy Cantos

Show comments