Komentarista itinumba

Isa na namang brod­kaster ang naitalang bik­tima ng extra-judicial killing maka­ raang tambangan ng dala­wang ‘di-pa kilalang la­laki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Gingoog City, Misamis Oriental kahapon ng umaga.

Ang biktimang nakaka­tanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay mula sa ilang tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan ng Gingoog City ay kinilalang si Ariceo Pa­drigao, block timer com­men­tator sa Radyo Natin na nakabase sa nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. Catalino Rodriguez, Misamis Oriental police director, naganap ang krimen da­kong alas-7 ng umaga sa gate ng Bukidnon State University sa Motoomull Street, Barangay 23.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na sinasabing ka­hahatid lamang ng biktima sa kani­yang anak sa es­ku­welahan nang harangin at pagbaba­ri­lin ng dalawang maskara­dong lalaki na sa­kay ng kulay itim na motor­siklo.

Nabatid na si Padrigao ay kilalang kritiko ni Gi­ngoog City Mayor Ruthy Guingona.

Pinaniniwalaan namang ang pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa sen­sitibo nitong trabaho ha­bang patuloy ang imbesti­gasyon. (Joy Cantos)

Show comments