^

Probinsiya

Pastor tinodas sa misa

-

Hindi na iginalang ang ka­sagraduhan ng panga­nga­ral ng Salita ng Dios ng isang pastor makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kila­lang lalaki habang nagmi­misa sa bayan ng Magalla­nes, Agusan del Norte ka­hapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Bedal Selyo, 69, pastor ng Filipina Independiente Catholica at residente ng Purok 5 Dahican sa Brgy. Caloc-an sa bayang na­banggit.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, pasado alas-8 ng umaga habang nagbibigay ng kaniyang sermon sa mga panatiko ng nasabing sekta ng re­lihiyon si Selyo nang big­lang sumulpot at pagba­ba­rilin ng ‘di-kilalang lalaki.

Nabatid na ang sermon ay isinagawa ni Pastor Selyo sa bahay nito na dinarayo ng kaniyang mga  deboto.

Napag-alamang hawak pa ang Bibliya ng biktima nang duguang bumulagta sa harapan ng kanyang mga debotong nagsisiga­wan sa takot.

Pinaniniwalaan namang alitan sa lupa ang pangu­nahing motibo ng krimen habang patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya. (Joy Cantos)

AGUSAN

BEDAL SELYO

BIBLIYA

BRGY

CALOC

CAMP CRAME

FILIPINA INDEPENDIENTE CATHOLICA

JOY CANTOS

PASTOR SELYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with