^

Probinsiya

14 barangay lubog sa tubig baha

-

BATANGAS CITY, Ba­tangas – Umaabot sa 14 barangay sa Calapan City sa Oriental Mindoro ang lumubog sa tubig baha dahil sa walang humpay na buhos ng ulan kahapon dahil sa namuong active low pressure area sa Batangas at Mindoro.

Sinuspindi ni Calapan City Mayor Paulino Lea­chon, ang klase sa lahat ng antas sa paaralan, publiko man o pribado kahapon ng umaga dahil sa tubig baha.

Kabilang sa apektadong mga barangay ay ang Ilaya, Lumang Bayan, Sta Maria Village, San Vicente Central, Pachoca, San Vicente North, Guinobatan, Sto Niño, San Raphael, Tawiran, Masipit, Lahid, Tibag at ang Barangay Lasareto.

Kaagad namang ipinag-utos ni Mayor Leachon sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan na linisin ang mga drainage system para humupa ka­agad ang tubig baha.

Wala namang naiulat na nasaktan sa isinagawang evacuation sa mga pamilya mula sa mga apektadong barangay. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BARANGAY LASARETO

CALAPAN CITY

CALAPAN CITY MAYOR PAULINO LEA

LUMANG BAYAN

MAYOR LEACHON

ORIENTAL MINDORO

SAN RAPHAEL

SAN VICENTE CENTRAL

SAN VICENTE NORTH

STA MARIA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with