Training ng PNP SAF pumalpak, instructor utas

CAVITE – Isang instructor ng PNP Special Action Force Tactical Battalion ang iniulat na namatay samantalang 12 iba pang pulis ang nasugatan maka­raang sumabog ang gra­nada habang nagsasanay sa loob ng PNP Academy sa bayan ng Silang, Cavite noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director, ang nasawing biktima na si PO2 Maño Rexel Carido, 31, SAFTB commando instructor na nakabase sa Camp Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Kabilang sa mga suga­tan ay sina P/Inspector Frederic Sa-Ao, PO2 Joel Jose Cacal, PO2 Andy Boy Moya, PO1 Junjun Paray, PO1 Dennis Labrador, PO1 Jacky Quirod, PO1 Dennis Aldueza, PO1 Melchor Moizes, PO1 Ronald Antonio, PO1 Gerald Alusta, PO1 Paulino Loyola at si PO1 Robert Tabijoria.

Base sa ulat, nagsa­sagawa ng live firing exercise sina Carido at ang kanyang mga estudyante ng M-203 grenade laun­cher sa firing range ng academy sa Barangay Tar­taria nang sumabog ang detektibong rifle grenade bandang alas-4:30 ng ha­pon.

Idineklarang patay si Carido sa Adventist University of the Philippines Hospital sa Brgy. Puting Kahoy sa bayan ng Silang saman­talang ginagamot naman ang iba pang biktima.

Kasunod nito, ipinag-utos na ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa kay PNPA Director Chief Supt. Danilo Abarsoza, ang ma­susing imbestigasyon at paglalatag ng security measures upang maiwa­sang maulit pa ang insi­dente. Cristina Timbang, Joy Cantos at Arnell Ozaeta

Show comments