Lolo nabagsakan ng bus

CAVITE ­ — Hindi na na­gising sa pagkakatulog ang isang 78-anyos na lolo makaraang mabagsakan ng pampasaherong bus na ikinasugat ng 16 iba pa sa Brgy. Marulas, Kawit, Ca­vite kahapon ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Divine Mercy General Hospital subalit namatay rin si June Magtawas, habang suga­tan naman sina Ariel Guadalupe, Leonisa de Leon, Christina Biazon, Christopher dela Peña, Danilo Moscera, Kenneth Olverio, Jaime Castillo, Jeffrey Ubaldo, Jomer Pu­nong­bayan, Isagani Patul, Leah Demetria, Emmanuel Espiritu, Nica­nor Francisco, Jeffrey Rodoro, En­rico Palwis, at si Leilani Pas­cua. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na na­kipagkarera ang Jethro Liner Bus (DXR-121) na minama­neho ni Guadalupe sa isa pang bus sa kaha­baan ng Marulas Village nang ma­walan ng kontrol at mahulog sa may 30 lalim na creek kung saan ang bahay ng biktima ay na­bag­sakan.  Cristina Timbang

Show comments