'Vilma Santos' nanuhol, inaresto

RIZAL – Rehas na ba­kal ang binagsakan ng isang kapangalan ng sikat na actress at Ba­tangas Governor na si Vilma Santos na sinasa­bing nanuhol sa pulis na umaresto sa kanyang mister sa kasong droga kamakalawa sa San Mateo, Rizal.

Dahil dito, magka­sama sa kulungan ang mag-asawang suspek na sina Vilma, 30, at Al­fredo, 40, kapwa resi­dente ng #31 D Kala­yaan St. Brgy. Ampid ng nasabing bayan.

Napag-alamang nag­sagawa ng buy-bust operation ang pulisya at naaresto si Alfredo na na­ kumpiskahan ng shabu.

Nagtungo naman sa presinto ang misis ni Al­ fredo na si Vilma Santos dala ang P20,000 bilang suhol sa pulis na uma­resto sa kanyang mister.

Hindi naman pina­tulan ng pulis ang alok ni Vilma at sa halip ay inaresto ito at kinasuhan ng corruption of public official. (Edwin Balasa)

Show comments