2 bata patay sa barilan ng 4 guwardiya

Sinalo ng dalawang bata ang kamatayan mata­pos ang mga itong maipit sa away ng apat na guwar­diyang nagbarilan sa isang palengke sa Roxas City, Capiz kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga nasa­wing biktima na sina Jason Pelaez, 7-anyos, resi­dente ng Barangay Lawaan sa naturang lungsod; at Nicole Soberano, 10 taong gu­lang.

Ang mga biktima ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at tagi­liran na siya nilang ikina­sawi

Nasugatan sa insidente sina Editha Soberano, 45 taong gulang; at Ariel Ce­rilo, isa sa mga guwar­dyang sangkot sa barilan.

Naganap ang insidente sa Roxas City Public Market nang magkrus ang landas ng naturang mga guwardiya dakong alas – 8:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon, nag­kainitan ang mga guwar­diyang sina Cerilo, Ariston Eudela, Ricky Besana at Efren Diaz, pawang em­pleyado ng Teodoro Ar­cenas Trade Center, na nagresulta sa palitan nila ng putok sa palengke.

Sa gitna ng putukan, tinamaan ang guwardyang si Cerilo habang nadamay ang dalawang bata.

Sumuko naman sa mga awtoridad si Diaz matapos ang insidente habang pa­tuloy pang tinutugis sina Eudela at Besana.

Show comments