PASG, CAMPI vs smuggler ng imported cars

SUBIC BAY FREE­PORT- Magtutulungan ang pamunuan ng Pre­sidential Anti-Smuggling Group (PASG) at ang Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) upang ma­sug­po ang talamak na smuggling ng imported luxury cars sa bansa.

Sa nilagdaang Me­morandum of Agreement, layuning protek­tahan ang interes ng automotive industry na lubhang tinamaan ng malaking pinsala dahil sa iligal na pagpasok ng iba’t ibang uri ng mamahaling sasak­yan.

Batay sa nilag­daang kasunduan, mag­papalitan ng im­por­masyon ang PASG at CAMPI hinggil sa mga hinihinalang sa­sakyang naipuslit at magtutulungan din sa pagpaplano ng mga anti-smuggling operations.

Magbubuo din ang CAMPI ng team of experts na tutulong sa PASG sa mga tekni­kalidad sa pagsusuri sa mga marerekober na smuggled vehicle.

 “Wala na akong na­kita pang rason para di-masugpo ang aktibi­dades ng mga ismag­ler lalo na ngayon na may kakampi na kami,” pahayag ni Usec. Antonio “Bebot” Villar Jr., hepe ng PASG.

Sa panig naman ni CAMPI President Eli­zabeth H. Lee, ang kanilang industriya ay nakakuha ng kaalyado na magpoprotekta sa interes ng local car industry at pati na rin sa pamahalaan. Alex Galang

Show comments