Bike vs van: 3 utas

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlo-katao ang iniulat na namatay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na van sa kahabaan ng highway sa Sitio Camia, Barangay Bubukal sa bayan ng Sta Cruz, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director ang mga biktima na sina Alvin Chan ng Barangay Bagumbayan; Arlene Dejurio, 25, ng Pangasinan at Remedios Ricafrente ng Rosario, Cavite.

Ayon sa police report, magkakaangkas sa motorsiklo (DO-5245), ang mga biktimang walang helmet nang ma­kasalubong nito ang rumaragasang na L-300 van (PYY-227) ni Alberto Miano, Jr. bandang alas-2 ng ma­daling-araw.

Nahaharap si Miano sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide na kasalukuyang gina­gamot sa Laguna Provincial hospital matapos magtamo ng minor injuries. (Arnell Ozaeta) 

Show comments