Apo dinedo ng lolo

LEGAZPI CITY, Albay - Isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang adik sa alak ang sinaksak at napatay ng kanyang lolo sa naganap na matinding pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan kahapon ng umaga sa Barangay Panoypoyan sa bayan ng Bula, Camarines Sur.

Nakilala ang biktima na si Joey Cecelio, saman­talang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Juan Cecelio Jr., 61.

Base sa police report, may ilang araw nang hindi kinikibo ng suspek ang kanyang apo dahil wala na itong ginawa kundi ang uminom ng alak at halos madaling-araw na kung umuwi.

May teorya ang pulisya na tumindi ang galit ng suspek matapos na suma­got ng pabalang ang kanyang apo kaya naganap ang pamamaslang. (Ed Casulla)

Show comments