Sariling ulo minartilyo

Pinaniniwalaang nagka-nervous breakdown ang isang lalaki kaya nagde­sisyong martilyuhin ang sariling ulo at saksakin ng icepick ang kanyang kata­wan sa Barangay San Mi­guel sa bayan ng Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Gerardo Lumampao ng nabanggit na barangay.

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, natagpuan ang biktima na may malaking sugat sa noo sanhi ng pukpok ng mar­tilyo at saksak sa katawan sa loob ng kanyang taha­nan sa nasabing lugar.

Nabatid na ilang araw nang hindi lumalabas ng bahay si Lumampao dahil sa dinadanas nitong nervous breakdown at nang bisitahin ng isa sa kanyang mga kaanak ay natagpuan ang bangkay nito.

May teorya ang mga im­bestigador na nagpaka­ma­tay ang biktima dahil nare­kober sa tabi nito ang mar­tilyo na may bahid pa ng dugo at ice­ pick na kanyang ginamit para salubungin si kamatayan.

Show comments