Sariling ulo minartilyo
Pinaniniwalaang nagka-nervous breakdown ang isang lalaki kaya nagdesisyong martilyuhin ang sariling ulo at saksakin ng icepick ang kanyang katawan sa Barangay San Miguel sa bayan ng Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Gerardo Lumampao ng nabanggit na barangay.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang biktima na may malaking sugat sa noo sanhi ng pukpok ng martilyo at saksak sa katawan sa loob ng kanyang tahanan sa nasabing lugar.
Nabatid na ilang araw nang hindi lumalabas ng bahay si Lumampao dahil sa dinadanas nitong nervous breakdown at nang bisitahin ng isa sa kanyang mga kaanak ay natagpuan ang bangkay nito.
May teorya ang mga imbestigador na nagpakamatay ang biktima dahil narekober sa tabi nito ang martilyo na may bahid pa ng dugo at ice pick na kanyang ginamit para salubungin si kamatayan.
- Latest
- Trending