P1M sa 2 bihag ng Abu

Humihingi ng P1 mil­ yong ransom ang mga ban­didong Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa dalawa pang nala­labing peace volunteer na bihag sa Basilan.

Ito ang nabatid base sa ipinarating na men­sahe ng mga kidnaper sa binuong Crisis Management Team na pina­mu­mu­nuan nina Basilan Vice Governor Alra­sheed Sa­kalalul at Fr. Angel Calvo.

Nilinaw naman ni Prof. Octavio Dinampo, pa­ngulo ng Mindanao Peo­ple’s Caucus, na ka­sama sa prosesong pang­ka­payapaan, na ang hini­hi­nging halaga ng Sayyaf ay bahagi la­mang ng negotiation fee at hindi pa ito ang aktu­wal na ransom demand.

Kabilang sa nalalabi pang bihag ng mga ban­didong Abu Sayyaf  ay sina Esperancita Hupida, program director ng Nag­dilaab Foundation at Millet Mendo­za, freelance community development specialist, na kabilang sa lima na kinidnap noong Sept. 15 sa Brgy. Caba­nga­lan, Unkaya Pukan, Basilan.

Inihayag pa ni Di­nampo na dalawa ring ki­lalang pulitiko ang nais ng mga kidnaper na maki­pag­negosasyon sa kani­lang grupo.

Bagaman hindi muna tinukoy ni Dinampo kung sino ang pulitiko ay ma­ugong ang pangalan ng dalawang Senador na sina Loren Legarda at Francis “Kiko” Pangili­nan.

Inaasahan namang hindi na magtatagal ay mapapalaya na ang mga bihag matapos ang sele­ brasyon ng Eid al Fitr na siyang hudyat ng pagtata­pos ng Rama­dan. (Joy Cantos)

Show comments