2 minero na na-trap sa minahan, nailigtas

Himalang nasagip ng buhay ang dalawang mi­ne­ro na kabilang sa 16 na-trap sa tunnel  ng minahan ng ginto sa kasagsagan ng bagyong Nina maka­raan ang pitong araw na search and rescue operations sa bayan ng Itogon, Ben­guet kahapon ng hapon.

Batay sa ulat na naka­rating sa Office of Civil De­fense, kinilala ang nailig­tas na minero na sina Ngitit Pagulayan at Jose Pan­yong.

Dakong alas-3:15 ng hapon nang matunton ng mga rescuer ang kinalalag­yan ng dalawang minero sa bahagi ng 114 o nasa level 700 sa Gold Field Mines sa Purok 7, Goldfield, Pobla­cion.

Ang pagkakaligtas sa dalawa ay itinuturing na milagro dahil may  pitong araw na ang mga itong na­nanatili sa lugar.

Ang dalawa ay nanghi­hina pa sa matinding gutom at uhaw ng masagip ng mga rescuer  matapos na pumasok sa apparatus sa minahan.

Inaasahan ding may maililigtas pa dahil mara­ming maaaring mapagta­guan sa level 700 matapos silang makarinig ng mga boses na nanggagaling sa bahagi ng tunnel.

Samantala, kabilang pa sa  mga na-trap na ay sina Joel Bolga, Gilbert Mattin, Rudy Bulaiung Jr, Marvin Himayod, Jason Himayod, Juan Himayod, Rudy Hima­yod, Robert Buay, Vincent Himayod, Joseph Awaya­san, Mario Awayasan at Jojo Himayod. (Joy Cantos at Artemio Dumlao)

Show comments