2 pulis, 1 pa tiklo sa 'kotong'

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang pulis at isang civilian agent ang dinak­ma sa isinagawang entrapment operation makaraang ma­ngotong sa ina ng isang ares­tadong drug pusher sa bayan ng Sta. Maria, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ma­nolito Labador, Laguna po­lice director, ang mga naares­tong suspek na sina PO3 Jeffrey Bacud at PO1 Marcelo Ochave ng Laguna police intelligence office kabilang din ang civilian agent na si Fredie Evangelista.

Tugis naman ng mga ala­gad ng batas ang isa pang ka­sabwat na pulis na si PO1 Lobell Caba­gay ng Sta Maria police station.

Ayon sa ulat, naaresto ng mga suspek ang sinasabing drug pusher na si Mark Vincent Ilagay ng Barangay Tadlac, Los Baños sa buy-bust operation habang nagbebenta ng labing­limang tea bag ng pina­tuyong dahon ng marijuana bandang alas-8:45 ng gabi.

Matapos maaresto si Ila­gay ay hiningan ng mga sus­pek ang ina ng bata ng P.2 mil­yon kapalit ang kalayaan nito.

“Nung malaman ng mga pu­lis na nagtatrabaho sa ab­road ang tatay ng bata nag­kainteres silang kwartahan ito,” pahayag ni Labador.

Dahil doon nag-report ang ina ni Ilagay kay P/Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Los Baños PNP kaugnay sa pa­ngo­ngotong ng kapwa n’ya pulis na nagbun­sod para magsagawa ng en­trap­ment operation.

Sina PO3 Bacud at Evan­ge­lista ay nakakulong sa Los Baños police station habang si PO1 Ochave ay iniimbesti­gahan sa provincial intelligence branch ng Laguna PNP. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

Show comments