3 'magnanakaw' sumuko

BULACAN – Tatlong kalalakihan na pinanini­walaang kawatan ng metro ng tubig ang sumuko kamakalawa sa mga alagad ng batas makaraang matakot sa grupo ng vigilante sa bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Kinilala ni P/Supt. Myrna Reyes, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, na sina  Noel Cabalida, 35; Francis Dela Cruz, 30; at Reynaldo De Guzman, 18, na pawang residente ng Barangay San Agustin.

Nabatid na ang mga suspek ay responsable sa pagkawala ng mga metro ng tubig sa nabanggit na bayan sa nakalipas ng linggo.

Inamin naman ng tatlo ang pagnanakaw sa mga metro na kanilang ibinenta sa halagang P10 kada kilo sa Olan Junkshop sa Barangay San Agustin. (Dino Balabo)

Show comments