P50M ari-arian naabo

BULACAN ­— Tinatayang aabot sa P50 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang isang pabrika ng plastic sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay F/Supt. Absalom Zipagan, bandang alas-2 ng madaling-araw nang magsimulang masunog ang malaking bodega ng Konka International Manufacturing Corp. at dahil sa pagresponde ng mga pamatay-sunog mula sa 21 bayan at tatlong lungsod sa Bulacan ay naapula naman ang apoy bandang alas-4 ng madaling-araw.

Wala naman ini­ulat na nasugatan o nasawi sa sunog habang patuloy naman ang imbes­tigasyon. (Dino Balabo)

Show comments