4 sugatan sa salpok ng convoy ni PGMA

NUEVA ECIJA – Apat-ka­tao na iniulat na nasugatan ma­karaang mahagip ng military truck na kasama sa convoy ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo noong Biyer­nes ng umaga sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Barangay Alua, San Isidro, Nueva Ecija.

Kasalukuyang nasa Good Samaritan Hospital sa Gapan City, ang mga biktimang sina Ronnel Tecson, 20; Pedro Sor­tiz y Bacani, 56, ng Barangay Putlod; Rodolfo Odulio y Re­yes, 62, ng Barangay Sto. Cris­to at isa pa na inaalam ang pagkikilanlan.

Kinasuhan naman ng pu­lisya ang drayber ng M36 truck (SGK-372) na si Staff Sgt. Joel Sumahit y Almonte, na nakata­laga sa TBN ASCOM, Fort Bonifacio, Taguig City.

Napag-alamang nawalan ng preno ang truck ni Sumahit kaya diniretso sa gilid ng highway ngunit nahagip ang traysi­kel ni Tecson, motorsiklo (IS-9511) ni Sortiz at kaangkas na si Odulio, at ang nakapara­dang traysikel (RT-3744) na pag-aari ni Victoriano San­tiago.

Nabatid na dumalo si Pa­ngulong Arroyo sa inagu­ras­yon ng bagong tulay sa Ca­biao, Nueva Ecija bago nag­tungo sa kaarawan ni Nueva Ecija 4th District Rep. Rodolfo Antonino sa bayan ng Jaen. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments