Municipal councilor itinumba
MALOLOS CITY, Bulacan – Nabahiran ng karahasan ang idinaraos na Singkaban Festival makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang municipal councilor sa bisinidad ng Barangay Tibag, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Councilor Fidel Nacion, 38, ng Barangay Poblacion sa bayan ng San Rafael.
Si Nacion ay ikatlong pulitikong napaslang sa Bulacan mula noong Mayo kung saan naunang pinatay si dating Calumpit Mayor Ramon Pagdanganan at sinundan naman ni dating Apalit Mayor Tirso Lacanilao sa bayan ng Calumpit noong Hulyo 31.
Sa tala ng pulisya, si Nacion na isang inhinyero bago pumalaot sa pulitika ay pinagbabaril ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan habang nakaupo sa loob ng kanyang Honda CRV (ZDT 766) na nakaparada sa kahabaan ng Cagayan Valley Road noong Martes ng gabi.
Namatay noon din si Nacion, samantalang nakare kober ang pulisya ng anim na basyong bala mula sa M-16 assault rifle sa crime scene.
Napag-alamang katatapos lamang magpraktis ni Nacion ng bowling kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamamumuno ni Vice Mayor Rino Castro ng maganap ang pamamaslang.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng M16 assault rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending