^

Probinsiya

Kabesa, kagawad niratrat

-

CAVITE – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang dalawang opisyal ng barangay na tumutulong sa proyektong pangkalinisan ng lokal na pamahalaan makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa panibagong karahasang naganap kamakalawa sa Barangay Dulong Bayan sa General Trias, Cavite. Kinilala ni P/Supt. Gregorio Evangelista, ang mga biktima na sina Brgy. Chairman Belcesar Arnecillo, 54; at Kagawad Leon Baczaz, 47, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Cristina Timbang

Resort owner kinidnap

KIDAPAWAN CITY – Dinukot ng mga armadong kala­lakihan ang isang Filipino-Hispanic resort owner sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabungsuan noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Perfecto “Boyeh” Martinez, may-ari ng El Bimbo Resort sa Linek Beach sa Datu Odin Sinsuat may ilang kilometro ang layo sa Cotabato City. Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Esmael Pua Ali, provincial police director, hinarang ang sasakyan ng biktima sa bisi­nidad ng na­banggit na barangay. Ilang oras naman matapos na makidnap ang biktima ay narekober ang sasakyan nito sa  Barangay Interior, Datu Odin Sinsuat  na  siyang ginamit na geta­way vehi­cle ng mga kidnaper. Naganap ang pagdukot kay Martinez, ha­los dalawang linggo makaraang dukutin ang doktorang si Milagrosa Yap sa Cotabato City. Pero dahil sa maagap na pag­responde ng mga pulis, nabigo ang mga kidnapper na makuha si Yap.  Sa tala ng pulisya, ang nabangggit na lugar ay kilalang balwarte ng Pentagon kidnap-for-ransom gang na may ugnayan sa mga rebeldeng Muslim. Malu Manar at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY DULONG BAYAN

BARANGAY INTERIOR

BARANGAY KUSIONG

CHAIRMAN BELCESAR ARNECILLO

COTABATO CITY

CRISTINA TIMBANG

DATU ODIN SINSUAT

EL BIMBO RESORT

ESMAEL PUA ALI

GENERAL TRIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with