^

Probinsiya

Imbestigador ng Ombudsman itinumba

-

CAMP CRAME – Binaril at napatay ang isang im­bestigador ng Ombudsman ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa Alvarez Street, Davao City kamakalawa.

Tama ng bala sa pisngi ang tumapos kay Oscar Victor D Denuga II, 44, may-asawa, nakatalaga sa regional office ng Ombudsman at  residente ng Kada­yawam Homes, Phase II, NHA Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Sa police report ng na­karating sa Camp Crame,, naitala ang insidente ban­dang alas-2:45 ng hapon sa ikatlong palapag ng regional office ng Ombudsman sa Alvarez Street.

Lumilitaw na nakaupo ang biktima at abala sa mga papeles nito nang putukan ng baril sa kanang mukha.

Narekober naman sa crime scene na nagkalat pa ang mga dokumentong may bahid ng dugo ang anim na basyo ng bala at kulay itim na cellular phone.

Isinailalim naman sa paraffin test ang ilang testigo upang mabigyang linaw ang krimen.  – Joy Cantos

vuukle comment

ALVAREZ STREET

CAMP CRAME

DAVAO CITY

META

MICROSOFT WORD

MSO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with