Bus binomba: 6 patay

KIDAPAWAN CITY - Nakatutulig na pagsabog ang umalingawngaw kaha­pon sa terminal ng bus sa Digos City, Davao del Sur na ikinasawi ng anim-katao habang dala­wamput siyam iba pa ang malubhang na­su­gatan sa panibagong pag­hahasik ng lagim ng mga terorista sa Kaminda­nawan.

Ayon kay AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Spokesman Major Armand Rico,  suma­bog ang itinanim na improvised explosive device sa loob ng Metro Shuttle Bus na may body number 209 ban­dang alas -2:45 ng hapon.

Sa panig ni P/Senior Insp. Anthony Padua, hepe ng Digos City PNP, posib­leng bitbit ng pasahero na suma­kay sa pagitan ng bayan ng Sta. Cruz at Digos City sa Davao del Sur.

Kabilang sa mga nasawi si Virgina Flores habang su­ gatan ay sina Ian Due, Mario Lawane, Adorina Pe­ña­loza, Maria Tumo, Eduar­do Fer­nandez, Evangelyne Fer­nandez, Doña Rosa Beuno, Leopoldo Banao, Sylvia Al­marzan, Garnet Dulima, Ade­lina Umaled, Boyet Valencion, Rofina Labugen, Theresita Banhaw, Tomasa Albopera at Leo Rulio.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, nabatid na nag­mula ang bus sa Davao City patu­ ngong Bansalan, Davao del Sur at kasalu­kuyang nasa ter­­minal para magbaba at magsakay ng mga pa­sahero nang su­mam­bulat ang bomba.

Kaagad naman nag­tungo sa nasabing lugar ang mga tauhan ng Army’s 39th Infantry Battalion sa pamu­muno ni Lt. Col. Lyn­don Paniza upang magsa­gawa ng security operations.

Sinabi naman ni P/Supt. Cesario Darantinao, police director ng Davao del Sur, nagsasagawa na rin ng post-blast investigation ang mga tauhan ng Bomb Explosive at ang Ordnance Division ma­ging ang Digos City PNP upang matukoy  ang respon­sableng grupo.

Noong Hulyo 2008, pi­nasabog din ang Metro Shuttle Bus kung saan isa ang patay at 35 naman ang sugatan na pinaniniwalaang modus operandi ng Al-Khobar terror group sa pa­ngingikil ang sinasabing motibo.

Show comments