^

Probinsiya

Lolo nag-amok: 3 grabe

-

CAMP CRAME – Tatlo-ka­tao kabilang na ang dala­wang buwang gulang na sanggol  ang iniulat na ma­lub­hang na­sugatan matapos na pag­tata­gain ng isang lolo na nag-amok sa bayan ng Me­dellin, Cebu kamaka­lawa.

Nilalapatan ngayon ng lunas  sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang mga bik­timang sina Lo­veth Rusatasi Bayon-on, ka­patid nitong si Ruby  Rusa­tasi at ang sang­gol na anak nito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ene­rio Bayon-on, biyenan ni Lo­veth.

Sa police report na naka­ra­ting sa Camp Crame, na­ganap ang insidente sa loob ng tahanan ni Loveth kung saan galit-na-galit na duma­ting ang suspek.

Napag-alamang sinita ng suspek si Loveth dahil sa ma­liit na perang ibinigay nito sa kanya mula sa  anak nitong nag­tatrabaho sa Maynila. 

Nagtalo ang magbiyenan hanggang sa nauwi sa pa­nanaga ng suspek sa ginang at nadamay din ang kapatid ng ginang at pamangkin nito.

Nagtamo ng walong tahi sa ulo ang sanggol habang  si Ruby at Loveth ay tadtad rin ng taga sa katawan.  (Joy Cantos)

vuukle comment

JOY CANTOS

LOVETH

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with