^

Probinsiya

Pamilya, 5 nilason ng apo

- Dino Balabo -

BULACAN – Posibleng sinapian ng masamang espiritu ang isang menor-de-edad na lalaki matapos na lasunin nito ang kan­yang limang malapit na kamag-anak sa bayan ng Calumpit, Bulacan noong Biyernes.

Kabilang sa mga bik­timang naisugod sa Our Lady of Mercy General Hospital ay sina Feliciano, Perla, Rex, Ruth, at Ramil na may apelyidong Ablaza.

Kasalukuyan naman nasa custody ng Municipal Social Welfare and Development Office ang suspek na itinago sa pangalang Ra­mon, 17, na sinasabing nasa ibang bansa ang mga ma­gulang.

Sa panayam ng PS­Ngayon kay Chairman Epi­facio Cruz ng Barangay Fran­ces, magkakasabay na naghapunan ang mga bik­tima, kung saan ang nagluto ng sinaing ay ang suspek.

Matapos ang ilang mi­nutong hapunan, naka­ram­dam ng pagkahilo ang mga biktima kasabay nito ang pagsusuka, paninikip ng dib­dib at pagbula ng bibig kaya’t magkakasunod na isinu­god sa nabanggit na ospital sa bayan ng Pulilan.

Sa kasalukuyan ay na­kaligtas sa karit ni kama­tayan sina Feliciano,  Rex at Ramil, samantalang na­na­tiling nakikipaglaban kay kamatayan sina Lola Perla at Tiya Ruth Ablaza.

Sa presinto, inamin na­man ng suspek na siya ang nagluto ng sinaing na ki­nain ng kanyang mga ka­anak, ngunit hindi niya alam na lason ang nailagay niya sa sinaing.

“Imposibleng hindi sina­sadya ang paglalagay ng machete na lason sa damo dahil nasa silong ng bahay ang bote ng lason at ang ku­sina ay nasa itaas,” pahayag ni Chairman Cruz.

Napag-alamang ilang linggo bago ang insidente ay napabalitang may ki­nuhang mga alahas ang suspek sa bahay ng kan­yang mga kaanak at po­sibleng may kaugnayan ang paglalagay ng lason sa pagkawala ng alahas ng pamilya Ablaza. 

ABLAZA

CHAIRMAN CRUZ

CHAIRMAN EPI

FELICIANO

LOLA PERLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with