Sintunadong kumanta inutas

RIZAL – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na lalaki ng dalawang senglot na kalalakihan makaraang kantahin ang May Way sa loob ng Videokehan Bar sa Champaca Street sa Barangay Tayuman, Binangonan, Rizal kama­kalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ricky Eway habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na isa sa mga ito ay nakilala lamang sa alyas Jonathan Tan Tan. Nabatid na senglot na ang biktima nang kumanta ng My Way na medyo sintunado nang lapitan at pagsasaksakin ng dalawang suspek. Pinagtulungan pang isugod sa ospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay. Edwin Balasa

Show comments