11 guwardiya ng prov’l jail sinibak
KORONADAL CITY – Pinatalsik kahapon ni South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes ang 11 guwardiya ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center dahil sa akusasyon ng katiwalian at abuse of authority.
Ito ang naging desisyon na inilabas ng gobernadora makaraang nakiisa ang mga ito sa sigaw ng mga bilanggo na paalisin sa pwesto si South Cotabato Jail Warden Nilo Sintin.
Napag-alaman na pinatalsik ni Fuentes ang mga guwardiyang nakatalaga sa Provincial Security Jail upang palitan ng mga guwardiya mula sa Provincial Security Unit.
Nagsimulang magsagawa ng kilos protesta sa loob ng kanilang mga selda ang may 950 na mga preso ng provincial jail laban sa kanilang warden sanhi ng kurapsyon at abuse of authority. (Boyet Jubelag)
- Latest
- Trending