^

Probinsiya

Nakiangkas sa kotse, Buntis ginahasa ng 3 ‘pulis’

- Edwin Balasa -

Arestado ang dalawa sa tatlong lalaki na nag­paki­lalang mga kagawad ng pulisya at halinhinang gumahasa sa isang 33-anyos na ginang na tat­long buwang buntis ka­hapon ng madaling araw sa Antipolo City.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Marlon Sabado, 42; at Elgio Yubri 31, kapwa re­sidente ng Monte Carlo Homes, Barangay Mam­bu­gan sa naturang lun­sod.

Pinaghahanap pa ng pulisya habang isinusulat ito ang pangatlong suspek na hindi muna pinanga­lanan.

Nakatakdang kasuhan ng rape ang tatlo dahil sa panggagahasa nila sa biktimang itinago sa alyas na Jinky at residente ng San Mateo, Rizal.

Ayon sa ginawang im­bestigasyon ni PO1 Jasmine Menor ng Women’s and Childrens Desk ng Antipolo police, naganap ang krimen dakong ala 1:30 ng madaling-araw sa bahay ng mga suspek.

Nauna dito, naghi­hintay ang biktima ng masasak­yan sa kanilang lugar upang magtungo sa San Mateo nang mada­anan siya ng mga suspek sakay ng kanilang kotse.

Nagpakilalang mga pulis ang mga suspek sabay alok sa kanya na ma­kiang­­kas sa kanila dahil pababa rin sila sa San Mateo.

Matapos makumbin­sing sumabay ang biktima sa kotse ng mga suspek ay agad siyang dinala sa isang bahay sa Barangay Mam­ bugan at doon ay halin­hinang ginahasa ng tatlo.

Nakatakas lang ang biktima nang makatulog ang mga suspek. Agad siyang nagtungo sa him­pilan ng pulisya na mabilis namang rumisponde at nadakip ang dalawa sa mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY MAM

PLACE

SAN MATEO

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with