^

Probinsiya

Ex-mayor dedo sa ambus

- Nina Boy Cruz at Dino Balabo -

CALUMPIT, Bulacan – Pinaniniwalaang pulitika ang isa sa motibo kaya tinam­ba­ngan at napatay ang da­ting alkalde sa Pampanga ng mga di-pa kilalang kalala­kihan sa bahagi ng Ba­rangay Pobla­cion sa bayan ng  Calumpit, Bulacan kaha­pon.

Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ex-Apa­lit, Pampanga Mayor Tirso La­canilao, 60, habang nakalig­tas naman ang bodyguard nitong si Armar Del Mural na nasa likurang bahagi ng sasakyan.

Napag-alamang si Laca­linao na kaanib ng KAMPI at naging mayor noong 1998 hanggang 2007 ay pinani­niwalaang presi­dente at manager ng Chan­mamel Manpower Service na nag­papa­sok ng mga trabahador sa Nestle Phils. sa Barangay Dampol 2nd.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Edgardo Reyes na isinumite kay P/Senior Supt. Allen Ban­tolo, Bulacan provincial director, lumilitaw na bandang alas-2:20 ng ha­pon nang iparada ng biktima ang kan­yang Mitsubishi Gallant (UHA-169) sa gilid ng gaso­ linahan sa kahabaan ng Mac­Arthur Highway.

 ”Parang may hinihintay ang biktima kaya pumarada sa gasolinahan,” pahayag ng hepe ng Calumpit PNP na si P/Supt. Jesus Reyes dahil sa halos may limang minutong nakaparada sa Shell Gas Station sa Mac­Arthur Highway  nang diki­tan at pagba­ba­rilin ng isa sa da­lawang lu­lan ng mo­tor­siklo.

“May kausap na babae si ma­yor, pero bala ang suma­lu­ bong sa amin,” pahayag ni Del Mural.

Iginiit din ni Del Mural na ma­­laki ang posibilidad na pulitika ang isa sa motibo sa pagpatay sa kanyang amo da­hil may da­lawang ling­go na nilang na­pan­sin na may uma­aligid sa ka­nila. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALLEN BAN

ARMAR DEL MURAL

ARTHUR HIGHWAY

BARANGAY DAMPOL

BULACAN

CALUMPIT

DEL MURAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with